Tuesday, September 22, 2009

Slice of Life No. 6 -- Patay: "Active", Buhay: "No Record" sa Comelec List of Voters Online

About a week ago, I received an e-mail with this very interesting and timely header:

Check out "ONLINE Verification of REGISTERED VOTERS"

Siyempre pa, medyo excited ako na nag-visit kaagad sa ibinigay na link ng sender... kaso lang, madidisyama lang pala ako sa bandang huli. In a way, tanggap ko pa siguro na hindi ko nakita ang pangalan ko sa kanilang database. Pero nakakagulat naman na sa buong pamilya namin, bukod tanging ang Tatay ko lang ang may record.

Anyway, since tapos ko na ngang i-search ang pangalan naming lahat, out of curiosity, naisip kong i-search na rin ang names ng dalawang uncles ko na kinuha na ni Lord. Well, honestly, hindi na ako nagulat when I found out that both of them are still "ACTIVE" voters.

Below is a screenshot of the Comelec's page:



"DISCLAIMER:

Data is based on the submissions of our field election offices as of June 17 2009. If you think your registration record should be active, and this SEARCH facility gives you a negative result, please verify with the local COMELEC office where you are registered.

Pending submission of data from certain cities/municipalities, data from the 2007 Barangay Elections are still being used for this Search facility."



'Yan po ang naka-post na DISCLAIMER ng COMELEC. As of June 17, 2009 daw? Teka, nabubura ba sa listahan ang mga botanteng namayapa na? If so, gaano naman katagal bago sila mabura sa listahan? Halos isang dekada na mula nang mag-goodbye 'yong isang uncle ko, bakit "Active" pa rin ang status n'ya?

Hay, naku! Ewan! Basta ang magandang tanong siguro ngayon ay ito: Gaano kaya ka-reliable ang list na iyon ng Comelec? Ano sa palagay mo, kabayan? Kung ako ang tatanungin mo, hindi po ako mapalagay! Hehehe

Click here if you want to check out, too, if your name is still active in the COMELEC roster.

GOOD LUCK!!! :-)

P.S.

Below is for all those who want to be registered voters for Election 2010:



Deadline for registration is October 31, 2009.

No comments: