Sa mga minamahal kong kababayan, ako’y naririto sa inyong harapan upang itanong sa inyo: Ang kabataan nga ba ang pag-asa ng bayan?
Madalas nating marinig ang mga katagang “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Subalit ang mga kataga bang ito’y sadya nga bang makakatohanan? Sa kasalukuyan, ang mga kabataan ay madalas mong makikita sa bawat sulok ng lansangan. Madalas na kapag gabi, walang ginawa kundi magharutan, magbangayan. Waring di-alintana ang problema sa bahay at di-iniisip ang bukas na darating…
Ito ba ang sinasabing pag-asa ng bayan? Ni walang pakialam sa lipunang kanilang ginagalawan. Alam ni Inay at Itay, nasa eskwelahan nagsusulat at nag-aaral nang mabuti. Subalit nasaan ka? Madalas ay nasa labas ng paaralan at kung anu-ano ang pinag-aaralan! Madalas pang ipinangungutang ni Ama’t Ina ng baon upang sa darating na panahon ay may maipagmalaki at gumanda ang pamumuhay. Nguni't ano ang ginagawa mo? Naglalakwatsa kang kasama ng barkada. Nakikisunod sa uso na akala mo’y magandang tingnan pero sa paningin ng iba’y kasuka-suka. Ang barkada na hindi rin iniisip ang bukas na darating…
Hay, naku! Kabataan ngayon, gumising ka!!! May panahon pa! Patunayan mong hindi pa huli ang lahat, mga minamahal kong kabataan…may panahon pa para ipakita mo ang iyong kapakinabangan. Hindi lamang sa iyong pamilya kundi maging sa iyong lipunang ginagalawan!!!
Elizabeth Ojeda
Binangonan, Rizal
March 20, 2007
Sunday, October 5, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment